Isang matandang aklat ang nagsasaysay na noong unang panahon, ang bayan ng Taytay ay nagmula sa tatlong nayon na kilala sa tawag na Bangiag (ngayon ay Bangiad), Mabulo (ngayon ay baryo Sta. Ana) at Sampaga na ngayon ay baryo San Juan. Ang nayon ng Bangiad ang tinatahanan ng mag-anak na Ignacio de Borja at Maria Catalinaat ng kanilang tatlong anak. Sa nayon naman ng Mabul, ang kinikilalang pinakamatanda ay ang mag-asawahan nina JuanMagdalena at Francisco Sta. Ana. Ang nayon na ito na katanawan ng Cainta ay nagkaroon ng Bisita na ang naging Patron ay si Poong San Juan. Ang nayon ng Sampaga naman ay nakabaybay sa ilog sa pook ng Kalikoan.
Ayon din sa matandang aklat na ito, si Ignacio de Borja at Juan Magdalena ay mabuting magkaibigan. Sila ay palaging nagsasanggunian sa lahat ng mga mahahalagang bagay.
Isang araw ay napag usapan nila ang tungkol sa pagtatayo ng simbahan. Pagkatapos ng kanilang pagsasalimbayan at pagsasanggunian ay napagkaisahan nila na magtayo ng simbahan.
Ang unang hakbang na ginawa nila ay pinulong ang mga tao at naging masigla naman ang pagtugon. Doon ay ipinaliwanag nila ang kanilang napagkaisahan. Sumang ayon sila at sinimulan na nga ang pagtatayo ng simbahan
May sumasahod ng cikulo a labing dalawang kuarta (sa pananalapi sa ngayon ito ay may halagang 5 pera). Ang iba ay gumawa ng walang bayad hanggang sa malaunana ay dumating ang maraming taon at tumutulong ng walang upa. Kinalaunan ay nahawan ang kagubatan sa taluktok ng bundok. Bato ang ilalim nito at nandoon din ang malalaking puno ng Taytay. Pinutol ito at naging sangkap sa ipinapagawang simbahan.
Noong nasa ika-limang taon na ito ay mayroon na itong pader na semento at ang taas nito ay lampas tao, kinapos na sila sa pera kayat dalawang taon din na natigil ang pagpapagawa nito. Isang araw ay humingi ng tulong ang Paring Jesuita sa magkaibigang Ignacio de Borja at Juan Magdalena. Hindi naman nagkait ng tulong ang dalawa kayat ipinagpatuloy ang pagpapagawa nito hanggang sa mayari.
Gumamit sila ng isang lalaking kalabaw at pinangalanan nila itong Batibot. Ito ang naging taga hakot ng mga silya na inililibot sa magkabilang pader ng simbahan.
Ang ikinabubuhay ng simbahang ito ay mula sa buwis ng lupang ipinagkaloob sa simbahan nina Maria Magdalena Maningning at Ignacio de Borja Lancon. Malalawak ang mga lupang ito kayat sa laki ng buwis ay nakapagpagawa pa ng lahat ng mga kagamitan sa simbahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento